Search site


Aswang

Aswang

 

No'ng bata pa ako, siguro eleven years old palang. Lumipat yung tita ko sa malaking lupain ng asawa niya. Dating matalahib sa lupain na yun parang jungle. Nuong pumunta kami duon kaumpisa pa lang nilang putulin ang mga ibang punong kahoy para sakahin yung lupa. Nagdalang-tao ang tita pero nalaglag after few months. Yun ang dahilan kaya kami dumalaw sa kanila para makiramay. Yung nalaglag na baby dahil maliit lang, inilibing na lang sa bakuran nila dahil nga jungle lang ang lugar na iyon.

Parang bahay kubo lang iyong bahay ng tita ko noon. Doon kami lahat nakipagsiksikan at nakitulog dahil kailangang sumali sa novena at napakalayo ang lalakarin namin pauwi. Sa dami namin, nagkasya din kami na parang mga sardinas at nasa sahig humiga.

Dahil nga jungle ang lugar na iyon, walang dumadaloy na kuryente Kaya sa gabi yung de gaas na lampara ang gamit nila.

Ang bubong ng bahay ay cogon grass at syempre walang kesame at ang A frame ng atip ay open. Tulog na ang lahat nang bigla akong nagising at sa harapan ko, sa open A frame na iyon ay nakita ko ang isang babae na sa palagay ko ay teenager pa lang. Siyempre, bust lang niya ang nakita ko at pula ang suot. Ang buhok ay hanggang shoulders. Hindi siya tumingin sa akin pero ang ulo niya was turning from side to side. Hindi ako nakatiis ng matagal dahil sa sobrang takut ko ginising ko ang nanay ko dahil magkatabi naman kami. Parang galit ang nanay ko dahil naesturbo ang tulog niya pero sabi ko na may babae sa harapan ko. "Anong babae?" tanong na nanay ko. At itinuro ko sa kaniya at ang ibang adults ay nagising na rin. Sinindihan nila ang kerosene torch at inalis ang rope sa harapan ko dahil baka raw iyon ay shadow lang. Pero hindi pa rin nila nakita at sabi ko nandoon pa rin ang babae. Silang lahat ay natulog uli habang nasa mata ko pa rin an babaeng iyon hanggang akoý nakatulog din.

Hanggang ngayon, hindi ko maalis sa isipan ang pagyayaring iyon at itinatanong ko pa rin sa sarili kung bakit nakita ko ang babaeng iyon sa gitna ng dilim.

Ayon sa kwento ni Mila

Meron ka bang Kwentong Aswang?

No comments found.