Search site


Ladies dorm number 5 (Part1)

Kung isa ka sa mga graduate ng CLSU sa Nueva Ecija, alam mo ang kwento ng ladies dorm number 5. 

Dating may malaking piano sa ibaba ng dorm, ipinatangala na lang nila sa hindi malamang kadahilanana. Ang kwento ko ay nuong CYF pa lang ako. Kalilipat ko sa dorm. Maraming nagsasabi na wag daw sa dorm five kasi bukod sa super strick ng bantay, ito ung pinaka old na dorm sa campus. Pero ininsist ng mama ko na duon daw ako mag dorm. Kasi mas madali raw akong matutuo kapag stirck ang landlord. Kasi siya mismo ay laki sa dorm five. 

Sa isang kwarto 20 kaming magkakaroom mate. 10 double bed ang makikita sa isang kwarto. At sampung cabinet. 

First night ko sa dorm. Katatapus kong mag ayus ng mga gamit ko, inihanger ko na ang mga damit ko sa cabinet, inihanda ko na rin ang mga kakailanganin ko bukas sa unang araw ng klase. Medyo pagod na ako that night, bukod kasi sa biyahe kaninang umaga at excitment sa college life…madali akong inantok. 

Sa kalagitnaan ng gabi, bigla akong nagising sa tunog ng piano...napamulagat ako dahil sa lakas ng narinig ko. Ng silipin ko ung nasa ibaba ng bed ko tulog na tulog siya. Lumingon ako sa kabilang bed, malalim din ang tulog nia. Gusto ko sanang bumangon at silipin kung saan nanggaling ang tunog ng piano, pero bigla akong kinilabutan. Ang ginawa ko nagtalukbong na lang ako kahit super init. Hindi ko alam kung paano ako nakatulog pero paggising ko sa umaga, tinanong ko ang buong kwarto, kung meron bang nakarinig ng tunog ng piano sa nagdaang gabi. Kahit isa sa kanila ay walang nakarinig at wala daw piano sa dormitoryo 

Dahil dito nilagnat ako ng isang lingo. Alam ko kung ano ang  narinig ko nuong gabing yun.